Lagi naman kitang nakakasama, ewan ko kung bakit ba wala akong nagagawa. Kahit na napakadali mong kausapin, ewan ko ba kung bakit ang hirap parin aminin. Madalas naman tayong naglolokohan, dinadaan ko lang sa biro ang tunay kong nararamdaman kaya siguro hindi mo sineryoso ang aking sinasabi. Ayan tuloy walang nangyayari.
Kakalipas lamang ng isang sem nung makita kita na mayroong ibang kasama. Magkahawak ang iyong mga kamay, ang dibdib ko ay nanikip, ang paglunok ko ay naipit. Aking napatunayan, na nasa huli ang pagsisisi. Parang bang gusto kong umiyak ngunit para saan pa, wala nang magagawa.
Sayang. Bakit hindi kita niligawan? Ako ngayo‘y nanghihinayang kasi naman tatanga tanga pa ako noon. Walang humpay na paghinyay sa hindi dumadating na pagkakataon.



